Iba’t iba tayo ng dahilan kung bakit gusto natin ang isang bagay. Hindi ko lang maintidihan kung bakit mas maranong pa sayo ang ibang tao pagdating sa mga bagay na paborito mo. Katulad nga nung sa Facebook. Yung tipong basta-basta na lang sila magsasalita at magbibigay ng opinyon without thinking kung makakaoffend sila or not. Ang akin lang kasi, alam mo muna dapat ang kabuuang storya bago ka magbigay ng kahit anong komento. Hindi yung basta ka na lang iimik dyan na akala mo’y alam mo na ang lahat.

Kagaya nga nung post ko sa Facebook na about sa Batman thinggies:

Medyo naoffend naman ako sa sinabi nung nagcomment. Well, alam ko namang paborito nya si Batman as a superhero dahil nga cool yung character nya. Hmm, ako naman kasi, naging paborito ko si Batman dahil ni Daniel Padilla. Ang dating kasi ng sinabi nya sa akin ay nakakaooffend kasi ni minsan, di ko naman sya kinwestyon tungkol sa paborito nyang superhero at kung bakit nya naging paborito yun. Sana naman, naging fair sya sa akin. O kaya naman, inisip nya muna yung sasabihin nya. Di bale kung pabiro eh. Pero tingnan nyo naman, with matching exclamation point pa. Kaya lalong nakakainis. >.<

Magkaiba kami ng pananaw sa isang bagay. Pero parehas naming gusto. Pero it doesn’t mean na porke parehas kayo ng paborito, parehas rin kayo ng rason kung bakit nyo ‘yun naging paborito. ‘Di ba?

  1. dannasaur posted this