December 20, 2011. Normal day. Tanghali na naman akong nagising. Hindi na naman nakapagbreakfast. As usual, derecho agad sa computer. Open ang ang Facebook, Twitter at Tumblr. Boring talaga pag vacation. Walang pera, walang magawa. No life.

Buti na lang, may Misa de Gallo. Sumimba ako with my Mom and Lolo. Mahigit isang oras kaming naghintay, ang tagal kasi ni Father. Medyo nakakaantok nung time na yun. Pero nabuhayan naman kami ng Homily na. Epic yung kwento ni Father eh. About sa dalawang magkaibigang taga-Bayate (tawag sa lugar namin)

Si Benjamin at si Dionisio. Si Benjamin daw, parating sumisimba. At si Dionisio, bihirang-bihira magsimba. One time daw, niyaya ni Benjamin si Dionisio magsimba. “Dionisio, sumama ka naman sa aking magsimba.” sabi ni Benjamin. “Eh, ano bang ginagawa sa simbahan? Hindi ko alam eh.” sabi naman ni Dionisio. “Basta. Gayahin mo na lang ang ginagawa ko. Pag sinabing umupo, umupo ka. Pag tumayo, edi tumayo ka. Basta, gayahin mo lang ako.” sabi ni Benjamin. Pumayag si Dionisio. Nung magco-communion na, pumila sila. “Katawan ni Kristo” sabi ng Pari. “Amen.” sabi ni Benjamin. Eh itong si Dionisio, nabingi. Ang rinig nya, Hamin hindi Amen. So, naisip nya na ang isasagot ay nickname. Nung turn na nya.. “Katawan ni Kristo” ang sabi ng Pari. “Dune.” ang sabi ni Dionisio.

End of the story. Hahaha! Ang luko ni Father! Dami kong naitawa dun. Mga ten. Chos! Nabuhayan naman ang mga nagsisimba eh. Epic kasi ng story! :p

Ooops, btw. Birthday ngayon ng pinsan kong luka-luka, jk. Happy Birthday Althea! >:)

  1. dannasaur posted this