December 22, 2011. Nagpagising ako ng 6AM kay Papa. Kaso, ayaw ko pang bumangon. Tinatamad ako. Tulog ulit. Ginising ako ng 7AM, ayaw ko pa ring bumangon. Natulog ulit. Tapos, nung 8:30AM na, saka ako bumangon. Masyado akong mabait eh. Hahaha! Usapan kasi, around 8AM-9AM dapat nasa school na. Eh anong oras ako nakarating? 9:45AM something na. Hahaha! XD
Nung nasa jeep na ako, nakita ko si Catherine. Ang lukang yun, papunta pa lang din sa school. Kainaman! Hahaha. Ang sisipag talaga namin. Eh kasi naman, magle-layout kami ng newspaper. No choice! Kelangan talagang pumunta. Pagdating sa school, si Bien nandun na. Iniintay kami. Dahil walang laptop, hindi kami nakapaggawa. Tsk. Luge na! So, nagkwentuhan na lang kami. Tapos nagpunta sa tindahan. Kumain ng FAKE na Corneto Disk. Di kasi tumutunog pag binubuksan eh. :| Hahaha! Ansaveeeh.
Nagkayayaan pumunta sa Bauan. Kami ni Catherine, nagMcDo. Unplanned. Gutom na eh. Hahaha! Kasabay namin si Marian pa-Bauan. Ayun. Kain sa McDo. Yayyy! Huling gala ko na yun ngayong 2011. XD Memorable naman. Hahaha! Alam mo yung takas? :p Omg, I’m so mabait talaga! Sarcasm. Tsk! Hahaha. Geh, minsan lang eh.
Sooo yeaaah. Had a great time with Catherine. Kahit walang pedoy, keri lang. Busog na busog sa kinain sa McDo Bauan. Hahaha! Grabe, epic day! Trololol.
