Miss ko na yung first account ko dito sa tumblr. Hays. Yun yung account kong na-hack at dineactivate ng hacker. Saklap naman nun ah. Grabe, umiyak talaga ako nung nawala sakin yung account ko. Online pa ako nung time na yun, kakapagpost ko lang. At nung pinindot ko yung Dashboard Button, biglang nag-logout ang account ko. Di ako agad nabahala. Akala ko naman, ginamit ng friend ko. Nung ini-login ko na. Ayaw. Ayun, kinabahan na ako. Hanggang sa.. ayaw na talagang ma-open ng account ko. :( Tsk. Isang taong mahigit yung blog na yun. In fact, a week after my blog anniversary, na-hack ang account ko. And on the same day.. dineactivate sya. Ang saklap lang. 

By the way, sa mga hindi pa nakakaalam.. ako nga pala si akosipotpotxd / dannanana / dannuh / vanitypanda / vainlyinlove. Yan ang mga ginamit kong url noon. First url ko ang akosipotpotxd. At noong yun pa ang url ko, marami akong nakilala. Marami akong naging kaibigan sa tumblr. Miss ko na yung mga taong palaging kong nakakausap dati. Miss ko na yung messages na natatanggap ko araw-araw. Miss ko na yung mga blog posts ko. Miss ko na magpost ng mga wordarts. Miss ko na lahat ng tungkol sa first blog ko. Hays. Bakit ba kasi na-hack? Sino bang pwedeng gumawa nun? :|

Hanggang ngayon, di ko pa rin kilala kung sino yung taong nang-hack ng account ko. At kung sino man sya, alam na nya yun. Hmft. Nakakamiss talaga. Sobra sobra sobra.

PS: Second blog ko po ito. Personal blog. Kaya kung mapapansin nyo, nakaredirect lahat ng url kong ginamit dito sa blog na ito. 

  1. dannasaur posted this