December 24, 2011 - Busy kami sa pagluluto ng kakainin sa Noche Buena :3 Tumulong naman ako, kahit papano. Hihihi. Nagsimba, 10PM. Tapos kain ng Noche Buena. Di agad ako natulog after. Nag-online ako sabay naglaro ng Tetris! 2AM na natulog! XD
December 25, 2011 - Tanghali na ako nagising. Dapat kasi hindi pa ako babangon. Dumating ang mga pinsan ko. So, no choice. Kailangan bumangon. Derecho kain. Mehehehe. Baked macaroni! Yummm~ :D Tapos nung hapon, nagpunta kami sa Batangas City. Dumaan sa SM Hypermart para bumili ng regalo para sa lolo ko. Mga 6PM na kami nakarating sa bahay ng tita ko. Tapos ayun, parteh-parteh! Daig pa namin ang nakainom eh. Daming nangyare. Pinoy Henyo! Epic yung kay Tito Leo.
Ang Henyo Word ay AKO. (pinagtitripan ko eh lol)
Tito: Tao? Kami: HINDI! Tito: Hayop?
Kami: OO! Tito: Ay sya, alam ko na yan. Ako yan! XD
Dami naming tawa dun! Kasi, in 7 seconds nasagot nya! Hahahaha! Grabe lang. Nanakit ang tyan ko sa kakatawa. Mga reactions ng mga pinsan ko. Grabe talaga! Laftrip talaga eh. Trololol. EPIC. Nagkaroon din kami ng exchange gift. At si Thea ang nakabunot sa akin. Ang gift nya sa akin ay mug na cute. :3 9:30PM na kami umuwi.
Pag dating sa amin, dumerecho ako sa room ko dahil nga manunuod ako ng GGV. Tapos may nakita akong iPod Shuffle 4th Generation na kulay hot pink sa ibabaw ng table ko. Takbo ako sa lolo ko, tinatanong ko kung kanino yun. Sabi sa akin, regalo daw sa akin ng aking ninang! Omg talaga! Ang bait ng ninang ko! Bongga ang gift sa akin. Abot langit ang ngiti ko eh. *u* Di ko kasi ineexpect yung ganung klaseng regalo.
Ang saya-saya ko this Christmas. Una, dahil kasama ko ang family ko sa pagcecelebrate. Pangalawa, ang daming nakaalala sa akin at bumati ngayong Pasko. Last, dahil daming nagbigay sakin ng mga BATMAN-ish items! Yayyy! :D
