Two days with my bestfriends :3 Dalawang araw na punung-puno ng katakawan! >:P

December 26, 2011 - Nagtext sa akin si Arvy, nagyaya para pumunta kina Jenn (purplevanity). Pumayag ako. Ligo. Bihis. Tapos pagdating nina Arvy at Janine dito sa amin, nagtext itong si Jenn. Magdadala na lang daw sya ng pagkain. :\ Tsk! No gala, no life! Buti na lang, siomai ang dala ni Jenn. At bumili kami ng Double Dutch ice cream. Buo na ang araw ko. Mehehe~ Takaw mode na naman! Sira ang diet. #kdot.

December 27, 2011 - Movie day! Bigla na lang nagkayayaan. Late na nakapunta sa mall. Amf. Pero, okay lang. Sulit ang okrayan sa jeep. Hahaha! Ansaveeeh ni Manong Driver na pasakay ng pasakay ng pasahero kahit alam nyang awas na yung jeep. Epic lang. Kalungan eh! Sikip tuloy! >.< Kaloka! Kumain sa McDo. Coke float! Yum yum yum! :3 Tapos, naglaro kami ni Arvy sa Quantum. Sina Jenn at Janine naman, bumili ng bag. Ayun. Sobrang sakit ng kamay ko. Ikaw ba naman ang magbasketball, limang magkakasunod na game. Tengene leng. Ngalay ako eh! :)) Trololol. Pero infernez, namiss ko talaga maglaro sa arcade. Naalala ko nung nasa Lucena ako. Ang dami kong tawa dun sa mag-jowa. Moving on.. Punta sa sinehan. Nanuod ng Segunda Mano. Alam mo yung feeling ng nanunuod ka ng horror movie tapos tawa ka lang ng tawa kasi epic talaga yung reactions nila tuwing pinagpapakitaan sila ng multo? XD Kami kasi, dami naming naitawa. Lalo na sa scene ni Bangs Garcia at dun sa irit ni Kris Aquino sa last part. Epic talaga. Pucha, nanakit talaga ang tyan ko sa pagtawa. Pero, hindi lang naman kami eh. Yung mga kasabay naming nanuod, tawa lang din ng tawa. Parang normal lang. Parang comedy yung movie na pinapanuod namin. K. Pinagtitinginan na ata kami eh. :P Lumabas na kami ng mall, sasakay na papunta Robinsons Place Lipa naman. Pagtingin ko dun sa chorva ng SM na nakalagay yung movies na mapapanuod mo (yung nasa labas na malaki).. ang nakalagay ay Teng Ng Ina mo. Nawala yung “En” eh! Ansaveeeeh! Hahaha. Laughtrip talaga ako dun. Ikaw ba naman, ganun ang mababasa mo. Paulit-ulit kong binasa. Pablis ng pabilis. Hahaha! Utas talaga. Lakas ng trip eh. Piniktyuran pa nga namin eh. Mehehe~ Nung nasa Rob na kami, ang dami kong nakitang kakilala. Ang gagala talaga ng mga tao, ano? O:)

Ansaveeeeh ng nangyari sa dalawang araw? Kasaya lang! EPIC ang happenings. :D

  1. dannasaur posted this