January 3, 2012. First day sa school this year! Napaka-epic ng araw namin. Nagsimula sa di magkaintindihang schedule hanggang sa kalokohan nung uwian na. Wala akong masabi sa mga nangyari. Nakakatawa talaga! Epic talaga. As in! Hahaha.

Halos lahat kami, tinatanong namin ang isa’t isa, “Huy recess na ba? Bakit yung kabilang section may klase kung recess na tayo? Ang gulo! Ano ba talaga?” Back to normal schedule daw eh. Yung dating 4PM namin dismissal time, balik na naman sa 5PM. 

Half day nagpapractice ng sayaw para sa LYF. Jusko dayy! Sakit ng paa ko. Eh hindi naman ako sanay sumayaw eh. Hindi kasi ako marunong! XD Oh-em. 

Nung uwian naman, nagpunta sina Gian, MJ, at Alyssa dito sa amin para kumain, este, gumawa ng project. Epic lang. Daming chika. Daming nadiscover. Dami kong naitawa sa mga kwentong kalokohan. Lol. Pero overall, kahit epic ang araw na ito, ang saya-saya ko. Masaya ang unang araw ko sa school this year. Buti naman. Mehehe. :D

  1. dannasaur posted this