LYF 2012 (CLUSTER 1) — JANUARY 19 @ CANOSSA ACADEMY
Napakamemorable ng araw na ito para sa akin. Ang saya-saya kasi eh. Yun nga lang, konti lang nakilala ko. Or actually, wala. Dahil di ko alam ang names nila :(
Nung morning, nag-Mass tapos Module. Activities = FUN! Yung may train thingo. Hahaha! Yung kalokohan naming mga taga-SBC Alitagtag, wagas. Magderederecho ba naman sa baba? Makatakas lang sa sobrang crowded na bleachers. XD Hahaha!
Sarap mag-Yell habang naka-costume. Tek na yan. Hirap lang gumalaw. Lels. Yung tipong may pagtayo pa kayo sabay nag-yell with actions. Bongga! Chenenen! Hahaha. Street dancing. Animations na hataw kung hataw na sayawan! :D
At pinakayumanig sa katawang lupa ko kahapon, yung pagkapanalo ko sa raffle! Alam nyo yung feeling inaantok ka tapos sobrang low ng energy mo tapos inannounce na ang first price sa raffle draw ay iPod tapos bigla kang nabuhayan? Nagising naman ang diwa ko eh. Hahaha! Sobrang kagulo nung inannouce na galing sa school namin ang winner. Sabi nung announcer, “Ang initials nya ay D. A. P.” Isipan. Sabi ko sa sarili ko, “Shet, bakit parang ako?” Tapos biglang sumigaw si Alyssa, “D - Danna, P - Puri! OMG! Danna Aldovino Puri daw!” Tapos yun, ako nga. Di ko alam kung san ako dadaan papuntang stage. Hahaha! Sa tabi na lang. Tapos may mga naka-violet dun na shirt, sinalubong ako nung mga lalaki dun, inihatid sa may stairs ng stage, kumamay sakin. Tapos pagbaba ko, nakatingin sila sakin, tapos kumamay ulit. >:) Sana maulit muli. Chos.
